Aklan News
PLANONG PAG-UTANG NG AKLAN LGU SA GITNA NG PANDEMYA, KINONTRA NG OPOSISYON
Nagpalitan ng argumento si Vice Governor Atty. Reynaldo Quimpo at Sangguniang Panlalawigan member Atty. Immanuel Sodusta sa isinigawang 115th Regular Session ng Aklan Sangguniang Panlalawigan noong Lunes, Setyembre 27.
Nag-ugat ang nasabing argumento matapos magpahayag si Sodusta ng hindi pagpabor sa resolusyon na umutang ang gobyerno-probinsiyal ng nagkakahalaga ng P148,780,000 pesos upang mapondohan ang mga prayoridad na proyekto at programa sa Aklan.
Buo ang tiwala ni Sodusta na hindi kailangan ng provincial government na umutang ng nasabing halaga para sa mga proyekto.
“because I believe that we don’t need to borrow this amount, pay for interest for this projecst, when this project are not really necessary, that we should be taking up a loan in order to finance some of the projects”, pahayag ni Sodusta.
Ipinaliwanag ni Atty. Sodusta na may ilan umano sa mga proyektong nais mapondohan ng perang uutangin ng provincial government ay makapaghihintay muna habang tayo ay nasa pandemya pa.
“…some projects are okay, but, so many project in this amount, including this amount, P148 million, that were going to borrow, I believe that we can wait a little while..while we’re still in this pandemic times”, paliwanang ni Atty. Sodusta
Dagdag pa ng abugado na maari naman umanong antayin na lamang ang budget para dito bago umpisahan at isagawa ang mga proyekto.
Kinuwestiyon naman ni Vice Governor Quimpo kung ano ang mga proyekto tinutukoy ni Sodusta na mariin nitong tinututulan.
Kaugnay nito, ipinaalala ng bise-gobernador kay Sodusta na pansamantalang ginamit muna ng provincial government ang pera na nakalaan sa mga proyekto ng probinsiya upang tugunan ang problema sa COVID-19 pandemic.
“…you’re ofcourse aware that we need to re-program some of this projects to fill up some funds for the purchace of vaccines…covid-19 vaccines, ofcourse you’re aware of that.”
Tinugon naman ito ni Sodusta at sinabing may mga proyekto aniya katulad ng Kalantiao Shrine sa bayan ng Batan na nagkakahalaga ng P5 million pesos na mukhang hindi angkop.
Kaugnay nito, binigyan ni Quimpo si Sodusta ng pagkakataon na ilathala pa ang iba pang mga proyektong nais nitong tutulan sa iba pang bayan sa Aklan.
Sagot naman ni Sodusta na walang problema sa kanya ang mga proyekto ngunit sa panahon ngayon na may kinakaharap tayong pandemya at mukhang hindi aniya angkop na umutang pa ang probinsiya upang ipagawa lamang ng Kalantiao Shrine.
Paglilinaw ni Sodusta hindi niya hinahadlangan ang mga proyekto sa probinsiya subalit hindi lamang ito napapanahon sa ngayon.