Connect with us

Aklan News

PLEA-BARGAINING, ‘DI APLIKABLE SA KASONG ADMINISTRATIBO LABAN SA JAILGUARDS NG ARC – SP SUCGANG

Published

on

Kalibo, Aklan – Hindi aplikable ang plea-bargaining agreement sa kasong administratibo na kinakaharap ngayon ng mga jailguards ng Aklan Rehabilitation Center (ARC) matapos matakasan ng dalawang preso.

Ito ang ipinahayag ni 1st District SP member Atty. Harry Sucgang sa Radyo Todo.

Ayon kay Sucgang ang plea-bargaining agreement ay pwede lamang magamit sa kasong kriminal na pwedeng mapababa ang sentensya sa akusado oras na mag plea-guilty ito o di kaya’y i-dismiss ang ibang kaso na isinampa laban dito.

Kaugnay nito, bumuo ng isang investigating committee si Gov. Florencio Miraflores na kinabibilangan ni Provincial Administrator Atty.  Shelwyn Ibarreta, bilang chairman at mga myembro nitong sina Provincial Legal Officer Atty.  Lorielle Rovero, Peace and Order Committee chairman Nemesio Neron, Provincial General Services Officer Medelia Solanoy at Provincial Human Resource Management Officer Methuselah Sta.  Maria para tutukan ang imbestigasyon sa insidente ng pagtakas ng mga preso sa ARC subalit hanggang sa ngayon ay wala pang naipalabas na resulta ang komite.

Unang nakapuga sa ARC si JR Isuga Ruiz noong Setyembre 2019 at Setyembre 29, 2019 din ng tumakas si Jose Tropa alyas “Butchoy” sa kamay ng kasamang jailguard na si Igmedio Torda sa Batangas port habang pauwi na sila galing sa Manila matapos dumalo ng hearing.