Connect with us

Aklan News

PNP BODY CAMERAS PORMAL NG TINANGGAP NG KALIBO POLICE STATION; GAGAMITIN SA MGA SPECIAL OPS NG KAPULISAN

Published

on

Pormal nang nai-turnover ni Mayor Emerson Lachica sa Kalibo Municipal Police Station ang 10 body cameras, mga accessories at 50 pirasong 16GB flash drives, kahapon, Oktubre 11.

Ang nasabing mga body cameras ay tinanggap ni PMaj. Jasson Cartilla Belciña, hepe ng Kalibo PNP Station.

Ayon kay PMaj. Belciña ito ay gagamitin ng mga kapulisan sa kanilang pagresponde sa mga special operations katulad ng drug buy-bust operations, illegal gambling at iba pa.

Pabor din aniya ito sa hanay ng pulisya dahil wala ng rason upang pagbintangan sila ng isyung pananakit sa tuwing sila’y may operasyon sa pamamagitan ng mga suot nilang body cameras.

Dagdag pa ni Belciña na ang mga body camera para sa Kalibo PNP ay sa panunungkulan pa noon ng dating hepe na si PLt. Col. Belshazzar Villanoche at natanggap lamang ngayon sa kanyang termino.

Sa kabilang banda, positibo naman si Mayor Lachica na sa pamamagitan nitong mga body camera ay mapapabuti ng mga kapulisan ang kanilang trabaho lalo na sa peace and order sa bayan ng Kalibo.