Connect with us

Aklan News

PNP CHIEF ELEAZAR SA MGA KAPULISAN NGAYONG ELEKSYON: ‘WE SHOULD BE NEUTRAL, NON-PARTISAN, WALA DAPAT TAYONG KINIKILINGAN’

Published

on

Photo File| Diadem Paderes/Radyo Todo 88.5 fm

Mariing pinaalalahan ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang mga kapulisan na maging neutral, non-partisan at higit sa lahat ay dapat walang kinikilingan pagdating sa usaping politika.

Ito ang binitawang pahayag ni PNP Chief Eleazar sa isang interview kasabay ng kanyang pagbisita sa Kalibo Municipal Police Police bilang bahagi ng kanyang command visit sa probinsiya ng Aklan.

Ayon pa kay Eleazar, nagsagawa na siya ng imbentaryo sa mga kapulisan kung sino sa mga ito ang may kamag-anak na tatakbo sa 2022 National and Local Election dahil kung sakali aniya ay ililipat niya ito ng assignment.

Dagdag pa nito, kailangang magsagawa ng ‘appropriate intervention’ ng mga kapulisan upang maiwasan ang mga karahasan sa darating halalan sa susunod na taon.

Samantala, pinaalalahanan din ng hepe ng pulisya ang lahat na huwag gagamit ng kahit anong klaseng illegal na aktibidades o extortion upang mapondohan ang kani-kanilang pagtakbo sa eleksyon.