Connect with us

Aklan News

PNP SA ALEGASYONG ‘RAMPANT VOTE-BUYING’: “SOCIAL MEDIA CANNOT DO JUSTICE”

Published

on

Kailangang may manindigan at magsampa ng reklamo kaugnay sa mga lumabas at kumalat sa social media hinggil sa talamak na vote-buying sa lalawigan ng Aklan.

Ayon kay P/Maj. Willian Aguirre, Asst. Chief ng Provincial Intelligence Unit ng Aklan Police Provincial Office (PIU-APPO) hindi mabibigyan-hustisya ang mga umano’y nangyaring iregularidad sa election kung ito’y mananatili lamang sa social media.

Aniya, upang masawata ang ganitong insidente, kailangang magpa-blotter o magpa-record ang nakasaksi sa sinasabing “vote-buying” sa municipal police station na may hurisdiksyon sa lugar gayundin na makipag-coordinate sa Commission on Election (COMELEC) upang kung sino man aniya ang lumabag ay mabigyan ng kaukulang aksyon at sa huli ay masampahan ng kaso.

Aminado rin si Aguirre na kahit sila na nasa command group ay nakakita ng mga vote-buying sa issues social media kung kaya’t iminungkahi nila sa magreklamo sa himpilan ng pulisya sa kanilang lugar upang magkaroon ng record at kapag may ebidensiya ay makapaghabla ng kaso laban sa mga voilators.

Hangga’t wala aniyang nagsasampa ng reklamo o walang tumatayo bilang complainant at witness ay mananatili lamang itong alegasyon.

“Actually, bisan kami sa amon nga command group hay nakakita man kami karon sa ginpost sa social media. But we advised ro mga concern ngaron na citizen or kung sin-o man naga-witness it alledged vote-buying, gina-advise nga magderetso sanda idto sa municipal police station kung siin may jurisdiction sa nasambit nga insidente agod ipa blotter o ipa-rekord agod kung may ebidensiya hay ma-file it kaso in coordination with the Comelec,” ani Aguirre.

Samantala, ayaw naman magbitaw ng kanyang sariling opinion hingil sa nasabing isyu si Aguirre dahil siya ay kumakatawan sa buong kapulisan sa lalawigan ng Aklan.