Aklan News
POLITIKA, POSIBLENG MOTIBO SA PAGPATAY KAY DATING KONSEHAL RONDARIO


Malinao, Aklan – PINANINIWALAAN ni Malinao Mayor Josephine Iquiña na posibleng may kinalaman sa nakaraang election ang nangyaring pagpatay kay dating Sangguniang Bayan member John Rondario.
Ayon kay Mayor Iquiña, nagserbeng campaign manager ng kanilang grupo si Rondario kung saan nakatulong ito ng malaki sa landslide nilang pagkapanalo na posibleng may nagtanim ng galit sa kanya.
“Sa aming usap -usapan ng aking mga kapamilya at kasamahan sa grupong Tibyog, ito talaga ang nakikita namin, na posibleng karugtong pa ito nang nakaraang election”, ayon sa alkalde.
Pagkatapos ng election ay naappoint bilang security aide sa office of the Vice Mayor si Rondario at tumutulong rin sa mga social services ng munisipyo.
Sya ay binaril-patay ng dalawang riding in tandem noong nakaraang Sabado ng gabi habang binabaybay, sakay ng motor, ang kalsada pauwi sa kanilang bahay sa Brgy San Roque.
Dahil sa pangyayari ay naglukuksa ngayon ang buong bayan kung saan nakahalf mast ang bandila sa munisipyo.
Mag iipon din ng reward money sina Mayor Iquiña sa sinong man ang makapagbibigay ng impormasyon para sa ikalulutas ng nasabing krimen.
“Dapat maresolba ito kaagad at hindi ako papayag na hindi ito maresolba sa panahon ko bikang Mayor”, dagdag ni Iquiña.