Connect with us

Aklan News

Port Administrator Ibaretta, inamin na ‘prone’ mabiktima ng pekeng dokumento ang Caticlan Jetty Port

Published

on

Aminado si Aklan Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta na ‘prone’ sa mga pekeng dokumento ang Caticlan Jetty Port.

Ito ay matapos na mabuking kamakailan lang ng mga otoridad ang anim na turista mula sa NCR na nameke ng RT-PCR test.

Paliwanag ni Ibarreta sa panayam ng Radyo Todo, ang tanging paraan lang para mavalidate ang mga dokumentong kailangan isumite ng mga turista bago makapasok sa isla ng Boracay ay ang pag counter check sa mga Department of Health (DOH) accredited testing center kung sila ba ay talagang nagpa swab test at pagsiguro na accredited din ng Department of Tourism (DOT) ang hotel na kanilang titirahan.

Tinatanaw nila itong isang malaking pagsubok sa ngayon kung ano ang hakbang na dapat gawin para masiguro na hindi na maulit muli ang insidente.

Pero sinabi nito na maituturing na ‘blessing in disguise’ ang naturang pangyayari dahil ngayon ay alam na umano ng mga turista na hindi dapat nila gawin ito dahil sa huli ay mabubuking pa din sila.

Kaugnay nito, ikinukunsidera na rin ng Boracay Inter-Agency Task Force ang paggamit ng Antigen test sa Boracay para masiguro na hindi mapepeke ang mga resulta ng test.

Katunayan, lumipad umano sa isla si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ang contact Tracing Czar para magsagawa ng training sa surveillance team at LGU Malay.

Tinitingnan na rin kung may kakayahan na ang Boracay na i-adapt ang Antigen testing kagaya ng sa Baguio City.