Connect with us

Aklan News

Port administrator nangakong aayusin ang mga problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port

Published

on

NANGAKO si Port Administrator Essel Flores na aayusin nito ang mga problema sa Cagban at Caticlan Jetty Port.

Kasunod ito ng reklamo ng ilang turista na tumutulo ang bahagi ng caticlan jetty port.

Aminado naman si Flores na may sira ang canopy sa naturang port.
Aniya, bago pa siya maupo bilang port administrator ay ito na ang isa sa mga problemang kanilang kinakaharap.

Sa katunayan ay may naka-usap na siyang dalawang malaking kompaniya na tutulong sa pagsasa-ayos nito.

Dagdag pa niya na sa ngayon kasi ay hindi pa stable ang budget ng Aklan Provincial Government kung kaya’t nag-offer siya ng ex-deal sa dalawang kompaniya na aayusin ito at ang kapalit ay ilalagay na lamang nila ang logo ng kanilang kompaniya.

Subalit sakaling hindi aniya ito matuloy ay makiki-usap na siya sa Provincial government para sa mabilis pagsasa-ayos ng mga sirang canopy sa Caticlan Jetty Port.