Aklan News
Positivity rate sa Aklan pumatak sa 42%, active cases umakyat sa 51
Pumatak sa 42.3% ang positivity rate ng COVID-19 sa Aklan nitong araw ng Sabado, Hulyo 23, 2022.
Labing-isang kaso ng COVID-19 ang nagpositibo kahapon mula sa 26 na samples kaya umakyat na sa 51 ang mga aktibong kaso batay sa tala ng Aklan Provincial Health Office.
Bayan ng Kalibo ang nangunguna sa may pinakamaraming aktibong kaso na may 16 cases.
Anim ang mula sa Numancia gayundin sa Tangalan, 5 sa Makato, tig 3 naman sa Malay, Banga, Iabajay, tig dalawa sa New Washington at Batan at tig-iisa sa Malinao, Nabas, Balete, Altavas at Libacao.
Kung matatandaan, nitong Hulyo 16, tumaas din sa 57% ang positivity rate sa probinsya dahil sa 16 na nagpositibo sa sakit.
Sa kasalukuyan, nasa Alert Level 1 classification ang probinsya katuwang ang mga kalapit nitong lugar sa Western Visayas.