Connect with us

Aklan News

Poste ng Akelco, nagliyab; food cart, nadamay

Published

on

Naalarma ang ilang residente sa Sampaguita Road Brgy. Andagao, Kalibo nang biglang umapoy ang isang poste dakong alas-6:13 kagabi at nadamay ang bubong ng isang food cart.

Batay sa imbestigasyon ng BFP-Kalibo, nagka short circuit umano sa naturang poste ng Akelco dahilan upang magspark ito at umapoy.

Sinasabing gumapang pa sa kable ng kuryente ang apoy dahilan upang madamay ang bubong ng isang food cart na malapit sa lugar.

Mabilis namang rumesponde ang mga bombero kaya’t naapula agad ang apoy habang tumungo  rin ang taga-Akelco para ayusin ang naturang poste.

Samantala, wala namang nasugatan sa nangyaring insidente.