Connect with us

Aklan News

PPA inaward na sa winning bidder ang P743M na pondo para sa itatayong cruise ship port sa Buruanga

Published

on

This photo is for illustration purposes only.

Na-award na ng Philippine Ports Authority (PPA) ang P743 million na pondo para sa pagpapatayo ng cruise ship port sa Brgy. Alegria, Buruanga.

Ang contractor na IBC International Builders Corp na nakabase sa Iloilo ang nanalong bidder matapos makapasa sa post evaluation ng PPA.

Tatagal ng dalawang taon at limang buwan ang pagtatayo ng cruise ship port na idinesenyo para masilbihan ang mahigit 580,000 na pasahero, 1,314 sasakyang pandagat at 182,361 metric tons (MT) ng kargamento taun-taon.

Akma umano ito para sa kalapit na Caticlan seaport dahil masikip na ito dahil sa pagtaas ng dami ng mga turista.

Unti-unti nang bumabalik ang mga cruise shipping activities mula nang mahinto ito ng tatlong taon dahil sa COVID-19 pandemic.