Connect with us

Aklan News

PRC PASSI LABORATORY, BUKAS SA MGA NAIS MAGPA SALIVA TEST MULA AKLAN AT BUONG PANAY

Published

on

TUMATANGGAP ang Philippine Red Cross (PRC) Passi Laboratory ng mga specimen ng saliva RT-PCR test ng mga taga Aklan, Antique, Capiz o Guimaras.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Cyril Lequillo, Red Cross Administrator sa Passi Laboratory, sinabi nito na tanging ang Passi Laboratory lang ang nag iisang Red Cross facility na tumatanggap ng saliva test sa buong Panay.

Ang laboratoryo sa Passi ay makikita sa likod ng Cityhall partikular sa New town site, Brgy. Samblogon, Passi City.

Kayang mag run ng nasabing laboratoryo ng hanggang 1000 specimens sa isang araw.

Makukuha ang resulta nito 24 oras matapos matanggap ng laboratoryo ang specimen, pero maaaring matanggap ng mas maaga ang resulta kapag naabutan ang cut off.

Paliwanag ni Lequillo, hindi maaaring uminom ng tubig, manigarilyo o mag ingest ng pagkain ang isang tao 30 minuto bago kuhaan ng specimen para hindi mag error o maging invalid ang resulta ng test.

Dagdag pa niya, P2000 lang ang halaga ng saliva test na mas mura kung ikukumpara sa nasal swab test.

Ito umano ang pinaka murang RT-PCR test sa Pilipinas, katunayan ay ginagamit na rin ito sa ibang bansa, “Ang saliva test natin is very advantageous, non-invasive sya hindi katulad ng swab plus very affordable siya.”

Pumapatak lang din sa 2ml ang saliva o laway na kailangan gawing specimen.

Pinag aralan ito ng matagal at dumaan sa maraming evaluation test bago na accredit ng DOH at FDA.

Ang accuracy rate nito ay 98.8 percent kaya ito rin ay nagsisilbing confirmatory test at hindi lang pang travel.

Bukas aniya ang Passi Laboratory sa pagtanggap ng mga specimen mula sa ibang lugar sa Panay.

Maari silang dumaan at magparehistro sa mga provincial chapters at sila na mismo ang bahalang magproseso ng mga specimen para dalhin sa Passi.

Para sa iba pang katanungan o inquiries maaring tumawag sa Passi Laboratory hotline na 09398738379.