Connect with us

Aklan News

PRESYO NG ANTIGEN TEST PARA SA MGA AKLANON WORKERS NA TATAWID SA BORACAY, NAGKAKAHALAGA NG 1,000 PESOS

Published

on

Boracay – Gagastos ng karagdagang 1,000 pesos ang mga manggagawang Aklanon kung tatawid sa Boracay island alinsunod sa Executive Order No. 031 ng Munisipyo ng Malay

Ito ang kinumpirma ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista sa panayam ng Radyo Todo.

Paliwanag ng Alkalde, ang empleyado ang sasagot sa antigen test pero maaari rin itong sagutin ng kanyang employer.

Dagdag pa ni Mayor Bautista, sa apat na clinic na dumalo sa kanilang meeting ng Municipal Health Office (MHO), isa pa lang ang accredited at nabigyan ng certification ng MHO Malay.

Ito ay ang K3rd Medical Services na naka base sa Caticlan Covered Court kung saan sa loob ng 20-30 minuto ay lalabas na ang resulta ng test

Sa ngayon ay mayroong dalawang accredited brands ng test kits, ito ay ang ABBOT at NOVATOS dahil ito raw ang may mataas na efficacy rate.

Matatandaang nagpatupad na ng Antigen test requirement ang LGU Malay sa mga Aklanon workers na tatawid sa Boracay kung lampas sa 12 oras silang namalagi sa Mainland Aklan.

Ang mga magiging positive sa Antigen test ay isasailalim sa RT PCR test para sa kumpirmasyon.

Samantala ang mga Malaynon workers naman ay hindi kasali sa mandatory Antigen Test na ito.

Ayon sa LGU Malay, paraan nila ito para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng Covid 19 cases sa Boracay island.