Aklan News
PRESYO NG GASOLINA SA BORACAY, UMABOT NA SA HALOS P100/LITRO
Higit pa sa inaasahan ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa isla ng Boracay.
Sa kasalukuyan, halos umabot na sa 100 ang presyo ng kada litro ng gasolina sa isla sa ika-11 sunod na linggong taas singil sa presyo ng petrolyo.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa P78 hanggang P81 na range ng presyo ng gasolina sa mainland Aklan.
Kaya, dagdag pasakit ito sa mga drayber na kumakayod araw-araw.
Ayon sa mga ulat, posibleng magtuloy-tuloy pa ang mahal na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado lalo na at hindi pa natatapos ang sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Continue Reading