Aklan News
Presyo ng mga pangunahing bilihin sa Aklan, may paggalaw ayon sa DTI
INIHAYAG ni DTI-Aklan Provincial Director Carmen Ituralde na may paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa lalawigan ng Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Ituralde, sinabi nito na may mga items na nakapasok sa BNPC o Basic Necessities and Prime Commodities na nasa ilalim ng jurisdiction ng DTI na nagtaas ang presyo at mayrron din na bumaba.
Ngunit giit nito, nasa SRP o Suggested Retail Prices pa rin ang mga ito.
“Sa latest naton nga monitoring [July 11-15] may mga items nga nakasueod sa BNPC o Basic Necessities and Prime Commodities nga under sa jurisdiction it DTI, may mga items nga nagtaas do presyo, may una man nga items nga nag-decreased man do presyo compared sa previous week nga monitoring. Pero tanan ra hay within sa SRP o Suggested Retail Prices,” pahayag ni Ituralde.
Nagsasagawa din aniya ang DTI-Aklan ng regular monitoring o weekly na pagmonitor sa mga pangunahing bilihin.
Sa katunayan ayon sa Provincial Director, may 17 tindahan silang mino-monitor.
Ito ay kinabibilangan ng tatlong supermarket, 10 grocery stores, at apat na wet market.
“Ro Department of Trade and Industry hay regularly nga naga-monitor or weekly ro monitoring naton iya sa Kalibo. May aton nga 17 nga stores nga regularly gina-monitor. Compose ra it tatlo ka supermarket, 10 ka grocery store, ag 4 nga wet market,” saad nito.