Connect with us

Aklan News

Price inflation sa Aklan nitong Setyembre, sumipa sa 6.7%

Published

on

SUMIPA sa 6.7% ang price inflation o ang bilis ng pagtaaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa lalawigan ng Aklan nitong Setyembre, mas mataas kumpara sa 6.3% noong Agosto.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito kung ikukumpara sa 0.1% percent inflation noong September 2021, at ang pinakamataas noong January 2019.

Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng pagkain na umabot sa 9.9 percent mula sa 9.4 percent noong Agosto.

Lumobo din sa 4.7% mula sa 4 percent ang housing, water, electricity, gas at ibang fuels habang ang mga damit at footwear naman ay sumipa sa 2.4 percent.

Nagkaroon din ng inflation sa mga alcoholic beverage na umabot sa 9.4% mula sa dating 8.5 percent, personal care at miscellaneous products, mula 0.7 to 1.1; Health, 3 to 3.4; at furnishings at iba pang household maintenance products sa 7.5%.

Samantala, sumadsad naman ang year-to-year inflation para sa transport commodities mula sa 9.9% noong Agosto sa 9.7% nitong Setyembre.|SM