Connect with us

Aklan News

Primary line ng AKELCO nabagsakan ng puno; ilang barangay sa Libacao at Madalag, apektado

Published

on

NAKARARANAS ngayon ng kawalan ng suplay ng kuryente ang ilang barangay sa bayan ng Madalag at Libacao.

Ayon kay Aklan Electeric Cooperative (Akelco) General Manager Atty. Ariel Gepty, ito ay matapos mabagsakan ng kahoy ang kanilang primary line papunta sa dalawang bayan.

Aniya pa, may apat na poste rin ng AKELCO ang nabali.

Paliwanag ni Gepty, ito ay dahil sa malakas na hangin nitong mga nakaraang araw dulot ng pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.

“Ro Libacao ag Madalag hay may una nga sigidas nga power interruptions umpisa ku Martes hasta sa makaron bangod ro aton nga primary line idto paadto sa Madalag ag Libacao hay hatumbahan it kahoy. May una man nga portion nga hatumbahan man it botong [kat raya nga ginagamit mqag-ubra it baeay] ag may tatlo o ap-at kita nga poste nga nabali,” ani Atty. Gepty.

Sa ngayon aniya ay malaking hamon para sa mga linemen ang mga posteng naka-cross country o malayo sa gilid ng kalsada kung kaya’t natatagalan at pahirapan ang pag-transport nila nga mga kagamitan.

Ngunit ipinasiguro ni Gepty na may lima hanggang anim na grupo ang Akelco na nagsasagawa ngayon ng repair sa mga nasirang linya ng kuryente at poste upang maibalik na sa normal ang suplay ng kuryente sa nabanggit na mga bayan.

“Ro challenges eang it aton nga lineman, ro iba naton nga poste hay naka-cross country. Ro gustong hambaeon hay owa nagpangalihid sa karsada ro iba kaya pahirapan ro pag-transport it mga importante nga gamit idto sa lugar nga kung siin nabali ro aton nga poste bangod sa medyo mabaskog ro hangin sa pilang mga inadlaw ngara,” pahayag ni Gepty.