Connect with us

Aklan News

Principal na si Vivian Iquiña, mananatili sa Malinao District Office – Deped Aklan

Published

on

Mananatili sa Malinao District Office si Dr. Vivian Iquiña, ang dating principal ng Kinalangay Viejo Integrated School na inireklamo ng mga guro at magulang dahil sa umano’y paggamit nito ng pera ng paaralan ng walang malinaw na paliwanag sa kanila gayundin na irereklamo nila ang masamang pag-uugali nito.

Ito ang ipinasiguro ni DepEd-Aklan School Division Superintendent Dr. Feleciano Buenafe Jr., sa panayam ng Radyo Todo.

Kasunod ito na ikatlong petition letter laban kay Iquiña matapos lumabas ang Memorandum mula Sa Division Office na si Dr. Iquiña ay madi-designate bilang school head ng cluster schools ng Malandayon Primary School at Manhanip Primary School.

Nauna rito ay ililipat din sana si Iquiña sa San Roque Integrated School subalit nagsanib-pwersa ang mga guro, PTA officials, alumni officials at mga magulang upang pigilan ang kanyang switching.

Ayon kay Division Superintendent Dr. Buenafe, para sa kapayapaan ng lahat mananatili si Iquiña sa District Office dahil may mga kailangan pa itong i-accomplish.

“Para sa katawhayan nalang sang tanan, wala pa man siya [Mrs. Vivian Iquiña] school nga gina-uyatan, dira lang anay siya kay Sir Zorolla sa district office kay may ginapa-ubra pa kita sa iya. Not beacuse nga may problema kundi may gusto pa kita nga ipa-accomplish sa iya sa District Office,” pahayag ni Buenafe.

“Wala siya anay sang eskwelahan nga nauyatan, so wala man problemahon ang mga ginikanan kag manugturo sa Malinao,” dagdag pa nito.