Connect with us

Aklan News

PRO 6 inirekomenda ang Gun Free Zone sa isla ng Boracay

Published

on

INIREKOMENDA ni PRO 6 Regional Director Police Brigadier General Jack Wanky na magkaroon umano ng Gun Free Zone sa isla ng Boracay.

Ito ang inihayag Ni PBGen. Wanky sa press conference nitong Lunes, Nobyembre 25 sa Camp Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City.

Aniya, “andami na nating shooting incident despite our successful operations against illegal possession of firearms. We could see yung data natin, medyo mataas tayo sa shooting incidents, homicide, murder with the use of firearms.”

Dahil dito, ang pagkakaroon ng Gun Free Zone ang nakikitang paraan ng regional director para mapababa ang nasabing mga insidente.

“So amu ni ang nakita naton nga isa pa gid ka tikang agod nga mahagan-hagan naton ang mga insidente nga ina.”

“Ang Gun Free Zone, gina-umpisahan naton kay didto sa Firearms Law (RA10591) naka-indicate na da actually ang pag-determine sang mga un it commanders sang Gun Free Zone,” wika pa nito.

Dagdag pa ng opisyal, “Although, specifically, it was stated there ang Gun Free Zone should be implemented sa mga tourist destination, sa mga places of worship, sa mga commercial areas pero very general. That’s why we are implementing this program. Actually, na-discuss namon ni sa peace and order meeting wherein they come up of a resolution probably endorsing this project.”

“Kay ang tinutuyo diri nga ang mga LGUs, mag-create sila sang ordinansa identifying these specific areas… kung diin ang i-declare nila nga Gun Free Zone based didto sa Firearms Law nga 10591 para wala kita technicality,” pagtutuloy ni Wanky.

Paglilinaw ng opisyal na ang deklarasyon ng Gun Free Zone at naka-depende sa rekomendasyon ng chief of police at iba pang law enforcement agencies na nasa area dahil sila mismo ang maglalagay sa resolusyon kung saan ang mga specific location o areas na idedeklarang Gun Free Zone.

Binigyan-diin nito na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Gun Free Zone, masisigurong masasawata na ang pagdami ng mga indibidwal sa pagkakaroon ng illegal firearms.

Maliban dito, magkakaroon din aniya ng mas Magandang imahe ang sikat na Boracay Island at makaka-engganyo pa ng maraming bisita at turista mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.