Aklan News
Probinsya ng Aklan, hindi kabilang sa ‘lifting of temporary suspension’ ng inbound travels sa Western Visayas
TINANGGAL na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang temporaryong suspensyon sa mga inbound travels sa ilang lugar sa Western Visayas maliban sa Aklan at ilan pang lugar.
Nakasaad ito sa Resolution No. 71, Series of 2020 ng IATF na may petsang September 15.
“The temporary suspension of inbound travel of returning residents in the province of Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, and Antique, including Iloilo City, in Region VI is hereby lifted,” bahagi ng resolusyon ng IATF.
Gayunpaman, anumang hinaing ng lokal na gobyerno ukol sa pagtanggal ng suspensyon ay maaaring pagdesisyunan ng Regional Inter-Agency Task Force.
Umabot na sa 57, 392 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa base sa tala ng DOH kahapon.
Continue Reading