Connect with us

Aklan News

PROBLEMA SA BASURA SA LUNGSOD PINUNTUSAN NG ISANG MAMBABATAS

Published

on

LUNGSOD NG ROXAS – Pinuntusan ni Hon. Midelo Ocampo, kasapi ng Sangguniang Panlungsod ang problema sa basura kahapon sa ginanap na Regular Session, dito.

Gamit ang privilege hour, pinuna ni Ocampo ang hindi tamang paghihiwalay ng mga basura mula sa mga pinanggalingang kabahayan at mga establisimiyento.

Ito rin ay kasunod sa mga puna ng mga ‘batang mambabatas’ sa katatapos lang na “Boys and Girls Week’ kung saan binibigyang pagkakataon ang mga high school na mga student leaders upang makaranas kung paano nagtatrabaho ang mga kasapi ng local na mga mambabatas.

Ayon kay Ocampo, ipinaliwanag ng hepe ng Solid Waste Management council ng lungsod na si Glen Amane na ang kasalukuyang sanitary landfill sa Brgy. San Jose dito sa lungsod ay maaari lamang tumanggap ng hanggang 220 metriko kwadrado na mga basura araw-araw. Subalit dagdag pa raw ni Amane na ang ipinapasok na basura sa sanitary landfill ay umaabot sa 90 tonelada kada araw, sobrang-sobra sa nakatakdang tanggapin ng landfill.

Dahil dito, itinatayang hindi aabot sa sampung taon at mapupuno na ang nasabing landfill at problema naman ang pagpapatayo ng panibagong landfill sa hindi pa aabot ng sampung taon.

Idinagdag pa ni Ocampo na ang pinaka dahilan kung bakit madaling napupuno ang landfill ay halos lahat ng basura galling sa pinagmulan ay isinasaling itatapon sa naturang landfill na sana mga ‘residual waste’ lang at ang ibang basurang pinaghiwalay katulad ng mga biodegradable ay maiiwan na lamang sa pinagmulan upang gawing pataba at ang mga ‘recyclable materials’ ay ipagbebenta at mapagkikitaan.