Aklan News
PRODUKTO NG PETROLYO TUMAAS SA LALAWIGAN NG CAPIZ
Roxas City – Matapos pasabugin ang isang pinakamalaking oil producer sa mundo, ang government owned Aramco ng Saudi Arabia noong Sabado, agad na nararamdaman ng mga motorist ng lungsod ng Roxas at lalawigan ng Capiz ang biglang paglobo ng presyo ng petroleum products.
Sa ngayon, ang ordinary diesel fuel ay nagkakahalaga na ng P43.81 mula sa dating P42.96 . Ang special diesel fuel ay P47.86 mula sa P47.01.
Ang unleaded gasoline ay pumapalo sa P55.31 mula sa P54.21 habang ang special gasoline ay P55.77 mula sa PP54.42. Ang itinaas ng gasoline ay P1.35 kada litro at P0.86 naman sa diesel.
Sa ngayon, nangangamba ang mga motorista dito sa lungsod ng Roxas at lalawigan ng Capiz na mas lalo pang lolobo ang presyo ng mga produktong petrolyo matapos mararamdan na ang epekto ng pagpapasabog ng mga rebelde sa pinakamalaking oil producer sa mundo.