Aklan News
Provincial Treasurers Office hinikayat ang mga Aklanon na samantalin ang condonation program para sa mga deliquent real properties
HINIHIKAYAT ngayon ng Aklan Provincial Government lalo na ng Provincial Treasurers Office ang mga Aklanon na samantalahin na ang kanilang ipinapatupad na condonation program para sa deliquent real properties sa Aklan.
Ito ay alinsunod sa Tax Ordinance No. 2022-006 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan nitong Setyembre a-12.
Ang mga deliquent real properties ay kailangang mabayaran bago o hanggang Disyembre 31 ng taong kasalukuyan.
Kabilang sa mga babayan na walang penalty ang mga lupain na naging delinquent lamang hanggang Hunyo June 30, 2022.
Ang ordinansa para sa nasabing programa ay inisponsoran nila SP member Hon. Jay E. Tejada, Hon. Apolinar C. Cleope, Hon. Bayani M. Cordova, Hon. Nemesio P. Neron, Hon. Mark V. Quimpo, Hon. Mark Ace L. Bautista, Hon. Teddy C. Tupas, Hon. Romeo M. Dalisay at inaprubahan ni Gov. Jose Enrique M. Miraflores.