Aklan News
PSA-AKLAN NILINAW KUNG BAKIT WALANG PIRMA ANG BAGONG NATIONAL ID
NILINAW ng Philippine Statistics Authority (PSA) Aklan na wala talagang pirma sa bagong National ID o PhilID dahil ito ay dinisenyo na maging moderon at mas mataas ang seguridad para sa identity verification upang maka-iwas sa forgery, fraud o identity theft.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Statistical Supervising Specialist of PSA-Aklan Rodelyn Panadero, ipinaliwanag nito na wala talang pinirmahan sa pag-apply ng national ID dahil ang data na kinuha para sa ID ay fingerprints ng sampung mga daliri, iris scan, facial image reception code, at iba pang pagkakakilanlan ng isang tao.
“Sa tuod eang, pag apply nanda it national ID hay owa kita it may ginpirmahan karon. Actuallty sa national ID, bukon eon it kaibahan karon ro aton nga signature. So, ro aton eat-a nga ginabuoe nga data karon hay ro aton fingerprints para sa napueo naton ka mga tudlo and then sa aton nga mata…iris scan, ag ro picture eat-a, aton nga itsura eat-a. So owa gid man ron imaw it pirma,” ani Panadero.
Ito ang tugon ng PSA-Aklan kasunod ng ipinaabot na reklamo ng ilang empleyado ng Aklan Provincial Government matapos ayaw tanggapin ng isang bangko ang naturang ID bilang signature authentication dahil wala itong pirma.
Aniya, ang paggamit na nasabing national ID ay kailangan ng scanner dahil ito ay may QR code kung saan nakapaloob na sa ID ang lahat ng impormasyong kaylangan kapag tayo ay makikipagtransaksyon sa gobyerno man o pribadong estalisyemento.
Dagdag pa ni Panadero na maraming features ang national ID dahil ibinatay nila ito sa birth certificate ng isang indibidwal at makakatulong ito sa mas mabilis na transaksyon dahil hindi na kailangan ng iba pang valid IDs.
Ang pangunahing layunin kasi ng ID system na ito ay upang i-streamline ang mga transaksyon sa gobyerno at babaan ang gastos ng aplikasyon sa government-related IDs, at padaliin ang lahat ng mga transaksyon.
Saad pa ni Panadero, maipagmamalaki natin sa ibang bansa ang bangong PhilID dahil sa kaka-iba nitong features kung saan mayroon itong server na made-detect at kayang tukuyin kung may ibang taong gumagamit nito.
Malabo na rin aniya itong mapeke dahil walang pirma na makikita dito at mayroon din itong national ID number na hindi makikita sa mismong ID kundi sa server lamang dahilan upang hindi ito ma-hacked.
Binigyan-diin din ni Panadero ang kahalagaan ng pagkakaroon ng national ID dahil ito ay sa ilalim ng Republic Act No. 11055 o PhilSys Act na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 2018 na naglalayong makabawas ng corruption sa gobyeno, mapaganda ang pamamahala ng gobyerno at magsisilbing kagamitan upang mapanatiling ligtas ang publiko.