Connect with us

Aklan News

PTFOMS mariing kinondena ang pagpaslang sa beteranong mamamahayag na si Johnny Dayang

Published

on

KINONDENA ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang pagpaslang sa Aklanon veteran journalist na si Juan “Johnny” Dayang, na nagsilbing president emeritus ng Publishers Association of the Philippines (PAPI).

Si Dayang ay binarily-patay ng hindi pa nakikilalang gunman habang nagpapahinga sa sala ng kanilang bahay sa Villa Salvacion, Barangay Andagao, Kalibo bandang alas-8 ng gabi nitong Martes, Abril 29.

Nagtamo ng tama ng pagbaril sa leeg at likod si Dayan kung saan isinugod pa ito sa Aklan Provincial Hospital ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.

“We are closely coordinating with all concerned agencies to ensure the immediate resolution of this case,” pahayag ni Undersecretary Jose Torres Jr., Executive Director of PTFOMS.

“We stand in solidarity with the media community as we mourn the passing of Mr. Dayang, a figure regarded as a pillar of Philippine journalism whose contributions greatly enriched our democratic discourse,” dagdag pa nito.

“We extend our deepest condolences to the family and loved ones of Mr. Dayang during this difficult time. His legacy will continue to inspire future generations of journalists in their pursuit of truth and justice.”

Samantala, nananawagan naman ang PTFOMS sa publiko na manatiling vigilante at suportahan ang mga pagsisikap na nagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag at nagpoprotekta sa mga media professionals sa bansa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga kapulisan upang matukoy at mahuli ang mga responsable sa karumal-dumal na krimen.