Connect with us

Aklan News

PUBLIKO WALANG DAPAT IKABAHALA SA PAGLIBING NG MGA NAMAMATAY SA COVID-19 – AKLAN PHO

Published

on

Burial and cremation

Tiniyak ng Aklan PHO na walang dapat na ikabahala ang publiko sa paglibing ng mga namamatay sa COVID-19 sa lalawigan ng Aklan.

Kasunod ito ng utos ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa lahat ng mga alkalde sa probinsya na maghanda ng lugar na paglilibingan ng mga COVID-19 victims sa kanilang munisipalidad dahil pansamantalang itinigil ang operasyon ng Gegato Abecia Funeral Parlor and Crematorium sa Iloilo na pinagdadalhan ng mga bangkay ng namatay sa COVID-19 mula sa Aklan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Dr. Cornelio Cuachon ng Aklan Provincial Health Office, sinabi nito na mahigpit na sinusunod ang Code Sanitation of the Philippines (Presidential Decrre No. 856) sa paglilibing ng mga bangkay.

Paliwanag pa niya, ang COVID-19 ay bagong sakit at marami pa tayong hindi alam tungkol sa virus kaya ang mga namamatay na may COVID-19, probable o COVID-19 suspect ay kailangan i-cremate o sunugin.

Pero maaari rin aniya itong ilibing sa loob ng 12 oras pagkatapos na bawian ng buhay basta sundin lang ang mga protocol kagaya ng paglibing sa 6 na talampakan at paglalagay sa metal casket o kabaong.

May mga ibang relihiyon umano na ipinagbabawal ang pag-cremate gaya ng sa muslim at Iglesia ni Cristo.

Kaya bilang pagrespeto sa relihiyon ng taong namayapa dahil sa sakit ay inililibing na lang ang kanilang katawan.

Continue Reading