Aklan News
PULIS NA NAG RESPONDE SA GULO SINUNTOK
Kulong ang isang lasing na suspek matapos suntukin ang pulis na nagresponde sa panggugulo nito sa Purok 5, C. Laserna St. Kalibo.
Kinilala ang suspek na si Edwin Mateo, sa legal na edad, residente ng Sibalew, Libacao at ang biktimang si PCpl. Jose Jessie Quintar ng Kalibo PNP.
Batay sa report, nakatanggap ng tawag ang Kalibo PNP mula sa mga residente ng nabanggit na lugar dahil sa pagwawala ng suspek kahapon, alas-9:00 ng umaga.
Mabilis itong pinuntahan ng kapulisan at hinabol ang suspek na pumunta sa Purok 4.
Pero biglang sinuntok ni Mateo ang biktima nang lumapit ito at magpakilalang pulis.
Dahil dito, inaresto si Mateo, isinailalim sa physical at medical examination saka kinulong sa lock-up cell ng Kalibo Police Station.