Connect with us

Aklan News

PULIS NA NAKAMOTOR, BUMANGGA SA TRAYSIKEL, PATAY

Published

on

Kalibo – Dead on arrival sa ospital ang isang pulis matapos aksidenteng bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang traysikel bandang alas 6:35 kagabi sa Caano, Kalibo.

Nakilala ang pulis na si Patrolman Arnie Palabasan, 25 anyos ng 24 Acacia St., Olive Plains, Numancia, habang sugatan din at confined sa ospital ang nakabanggaang traysikel driver na si Dave Rico, 23 anyos ng Ureta Road, Andagaw, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo si Palabasan galing Poblacion, Kalibo papuntang New Washington, nang mag-overtake umano ito sa nagmomotorsiklo at kasama ring pulis na si Patrolman Jeremy Villanueva, nang aksidenteng bumangga sa kasalubong na traysikel na minamaneho ni Rico.

Resulta, kapwa sumemplang sa kalsada ang mga biktima na kaagad ding isugod sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay sa ospital ang pulis, habang patuloy na ginagamot doon si Rico.