Aklan News
PUNONG BARANGAY DISMAYADO SA SERBISYO NG OSPITAL.
PONTEVEDRA, Capiz – Dismayado at nanlulumo si George Casipit, Punong Barangay ng Brgy. Intongcan, Pontevedra sa ipinakikitang serbisyo ng mga kawani ng Bailan District Hospital, Brgy. Bailan, Pontevedra, Capiz.
Galit at napagtaasan ng boses ang mga kawani ng nasabing ospital matapos dinala dito ang kanyang dalawang Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) na sina Melchor De Juan at Alfredo Arancillo Jr. nang ang mga ito ay sinaksak, binugbog, at binaril pa ng mga suspek na sina alyas Budoy Aguihap at alyas Johnny Aguihap kagabi habang magpapanatili sana ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang barangay matapos may nangyaring kaguluhan at hindi pagkakaunawaan.
Ayon kay Casipit, nang dalhin ang kanyang mga sugatang BPAT sa nasabing ospital, hindi ito kaagad binigyang pansin ng mga nurses at doctor.
Namatay si Melchor De Juan habang nakatusok pa sa kanyang tiyan ang kutsilyong ginamit ng mga salarin sa pananaksak.
Samantalang habang nakikita ni Casipit na parang nawalan na ng buhay si De Juan, napagtaasan nito ng kanyang boses ang mga nurses at doctor dahil nakita niyang malubha rin ang kalagayan ng isa pa niyang BPAT na si Alfredo Arancillo dahil lumalabas na ang dugo sa kanyang bunganga at mata at putok din ang kayang ulo dahil sa panghahampas ng tubo ng mga suspek dahil hindi siya kumbinsido sa pag-aasikaso nito sa mgapasyente.