Aklan News
Punong barangay ng Tambak New Washington, nilinaw ang isyu sa umano’y nagaganap na quarry sa kanilang lugar
Nilinaw ni Punong Barangay Lucille Macario ng Tambak New Washinton na walang nagaganap na quarry sa kanilang barangay.
Kasunod ito ng balitang hinahakot umano ang buhangin mula sa kanilang barangay at ikinakarga sa isang barge kung saan dinadala sa Mindoro para ibenta.
Ang katotohanan ayon kay Macario, ang nakikitang hinahakot na buhangin ng mga residente sa lugar ay mula sa stockfile ng isang pribadong quarry operator at hindi ang buhangin sa barangay Tambak.
“Pero duyon ngaron nga ginahambae nga ginabaligya, nga ginadaea sa barge halin ta ron sa quarry,” pahayag ni Macario.
Aniya pa, dumadaan lamang ito sa barangay Tambak at may kaukulang permit ang operasyon nila.
“Ngani ro ginahinakot ngaron, idto ta ron ginaderetso sa Dumaguit,” saad pa ni Macario.
Dagdag pa nito, nagkataon lamang umano na noong nakaraang Linggo na may naghahakot din ng buhangin mula sa naturang lugar kung saan dinala sa ASU New Washington quadrangle para sa ginanap na Unit Meet.
Maaring napagkamalan lamang umano ng mga residente ang pangyayaring ito kung kaya’t inisip nila na may nagsasagawa ng quarry sa kanilang lugar.