Connect with us

Aklan News

PWD na menor de edad, nalunod habang naliligo sa baybaying sakop ng Polo

Published

on

Maswerteng agad na naisalba ang isang PWD na menor de edad matapos na malunod habang naliligo sa baybaying sakop ng Brgy. Polo, New Washington dakong alas-8:00 kaninang umaga.

Napag-alaman na 11-anyos pa lang ang naturang biktima na umano’y hindi makalakad.

Ayon kay PSSGT. Raul Reñia ng New Washington PNP, malapit lang sa dagat ang bahay ng biktima kung saan hindi napansin ng mga magulang at kasama nito sa bahay na gumapang na pala ito papuntang baybayin para maligo.

Sinasabing, nakita nalang ito ng kaniyang mga kapitbahay na nalulunod kaya’t dali-daling nagtulungan ang mga ito para maiahon siya sa dagat at maisalba.

Nagresponde rin ang Mdrrmo New Washington at binigyan ng CPR ang biktima saka dinala sa ospital.

Sa ngayon ay ligtas na ito at patuloy nang ginagamot sa Aklan Provincial Hospital.