Connect with us

Aklan News

Pwesto sa Kalibo Public Market ninakawan, P2900 cash nalimas

Published

on

Nalimas ang perang nagkakahalaga ng P2,900 na koleksyon sa isang pwesto sa Kalibo Public Market matapos nakawan ng  hindi pa nakikilalang kawatan kahapon, dakong alas-12:30 ng tanghali.

Kinilala ang may-ari ng nasabing pwesto na si Janet Berdugo, 38-anyos na residente ng Brgy. Estancia, Kalibo at ang bantay nito nang mangyari ang insidente na si Airen Cuales, 45-anyos residente ng Brgy. Tinigaw ng kaperahong bayan.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP , kumakain umano si Cuales ng mga oras na iyon kaya hindi niya napansin ang nangyari. Pagbalik niya sa may lamesa ay doon niya napag-alaman na wala na ang perang nagkakahalaga ng P2,900 na nakalagay sa kaha.

Samantala, sa pagreview sa CCTV, nakita ang isang babae na nakasuot ng facemask na pilit inaabot ang nasabing kaha hanggang sa makuha nito ang pera.

Sa ngayon ay hindi parin nakikilala ang kawatan at patuloy parin ang imbestigasyon para madakip ang salarin.