Connect with us

Aklan News

QR CODE DAPAT MUNANG SIGURADUHIN BAGO MAGPA-BOOK NG TICKET – BOARD MEMBER ESSEL FLORES

Published

on

Mahigpit na ipinaalala ni Aklan Sangguniang Panlalawigan member Essel Flores, chairman ng committee on laws, rules at ordinances at committee on tourism sa mga tutungo sa lalawigan ng Aklan lalo na sa isla ng Boracay na siguraduhing mayroon ng hawak na QR code bago magpa-book ng kanilang mga ticket.

Ayon kay board member Flores, ito ay upang maiwasang maulit ang nangyaring aberya sa QR code system ng Aklan Provincial Government kung saan inulan sila ng batikos matapos may isang pamilya ang hindi natuloy sa kanilang pag-uwi dahil sa walang verified QR code mula sa probinsiya.

Aniya ang nangyari iyon ay maituturing na isolated case lamang at ito’y kanilang na-address sa isinagawang legislative inquiry kung saan inaprubahan ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na humuhiling sa National IATF on Emerging Infectious Diseases na payagan ang inbound at outbound flights of tourist papasok at palabas sa isla ng Boracay sa Kalibo International Airport at Caticlan Airport.

Matapos umano ang naturang insidente ay kaagad naman nilang ginawan ng aksyon ang katulad na problema kung saan nagdagdag sila ng manpower na tututok sa issuance ng QR code lalo na sa mga turistang nais magtungo sa isla ng Boracay.

Saad pa ng opisyal na hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng system’s failure lalo’t online lahat ang isinasagawang transaksyon.

Pahayag pa ni Flores na sa ngayon ang kanilang binibigyan lamang ng QR code ay yaong naka-schedule na ang biyahe ng 1-7 days at nasa least priority ang nag-a-advance booking ng kanilang QR code.

Samantala, ipinasiguro ni SP member Flores na sila’y naka-handa sa inaasahang pagdami ng mga turistang pupunta sa isla ng Boracay lalo na ngayong holiday season.