Aklan News
QR code hindi na required sa mga returning Aklanon at travellers na pupunta sa Aklan
Tinanggal na ni Governor Jose Enrique Miraflores ang QR code requirement sa lahat ng mga returning Aklanon at travellers na pupunta sa Aklan.
Pero mananatili pa rin itong required sa mga turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay base sa inilabas na Executive Order 003 Series of 2022 ng gobernador na epektibo kahapon, Hulyo 4.
Sa pamamagitan ng EO 009 Series of 2022 na inilabas nitong Pebrero 28, 2022, ni-require ng gobyerno probinsyal ang QR Code via AKQUIRE System sa mga Aklanon at travellers bago sila payagan na makapasok sa Aklan.
Nauna nang inulan ng pambabatikos ang QR code system dahil sa bagal ng pagproseso nito at dagdag pasanin umano sa mga pauwing Aklanon at bakasyunista.
Ang QR Code ang nagsisilbi rin na online contact tracing at health declaration card ng Aklan province sa lahat ng pumapasok at lumalabas sa Boracay island.