Connect with us

Aklan News

QR code, tinanggal na bilang requirement sa pagpasok ng mga turista sa Aklan

Published

on

TINANGGAL na ng gobyerno probinsyal ang QR Code requirement para sa mga turistang nais bumisita sa probinsya ng Aklan.

Naglabas si Gov. Joen Miraflores ng Executive Order No. 047 o “An Executive Order Lifting the Implementation of “Quick Response” Codes (QR Codes) Requirement for tourists Entering the Province of Aklan” kagabi, Oktubre 25.

Laman ng nasabing EO na nag-develop ng contract tracing application ang Aklan Provincial Information and Communications Technology Office noong Abril 2022 para mamonitor ang suspected at confirmed cases ng COVID-19.

Nauna nang inalis ni Gov. Miraflores ang QR code via AkQuiRe System bilang requirement sa mga returning Aklanon at travelers noong Hulyo 4, 2022.

Ngayon naman, tinanggal na rin ang QR code requirement sa mga turista para iwas abala sa mga bakasyunista at bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paluwagin ang travel requirements sa mga turista.

May be an image of text