Aklan News
Quarry operation sa Sigma, Capiz pinahinto ng dahil sa paglabag sa ECC
Pinahinto ng Capiz Environment and Natural Resources Office (CAPENRO) ang quarry operation sa Brgy. Parian, Sigma, Capiz dahil sa paglabag.
Ayon kay CAPENRO Head Emilyn Depon, napag-alaman nila na walang siltation pond ang kanilang quarry operation sa lugar bagay na ikinababahala ng ilang mga residente doon.
Sinabi ni Depon na paglabag ito sa Environmental Compliance Certificate (ECC).
Kaugnay rito nagbaba ng cease and desist order ang CAPENRO para ipahinto ang operasyon at itama ang kanilang paglabag.
Ipanatawag rin sa technical conference nitong Nobyembre 4 ang quarry operator pero hindi ito humarap.
Nabatid na binigyan ng barangay resolution at permit mula sa gobernador ang quarry operator.
Kaugnay rito nananawagan si Depon sa mga opisyal ng mga barangay na magsagawa muna ng public consultation kapag may gustong mag-quarry operation sa kanilang lugar.
Ipatawag rin aniya ang kanilang CAPENRO upang ipaliwanag sa taumbayan ang epekto ng quarry operation.