Aklan News
RE-ROUTING DRY RUN SA MGA TRAYSIKEL, SISIMULAN NA SA PEBRERO 15
Kalibo, Aklan – Sisimulan na ngayong Pebrero ang dry run ng re-routing ng mga bumibiyaheng traysikel sa Kalibo alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2020-036 na nagbabawal sa mga traysikel sa mga national highways.
Una nang naudlot ang implementasyon ng memorandum nitong nakaraang taon dahil sa pandemya, hiling ng mga TODA presidents sa Local Government Unit (LGU) at pagpapatupad ng road clearing operations base rin sa DILG MC No. 2020-027.
Layon ng re-routing plan na mabawasan ang dami ng mga traysikel na tumatawid sa mga national highways sa Kalibo.
Nilinaw naman ni Transport and Traffic Management Division (MEEDO-TTMD) head Vivien Briones na walang mangyayaring panghuhuli sa loob ng 14 araw na dry run mula February 15-28, 2021.
Ang full implementation ng re-routing plan ay posibleng magsimula rin aniya sa pagpasok ng Marso.