Connect with us

Aklan News

RECORD HIGH: 119 PANIBAGONG KASO NG COVID-19, NAITALA SA AKLAN NGAYONG ARAW

Published

on

Naitala ng Aklan ang pinakamataas na panibagong kaso ng CoViD-19 sa loob lamang ng isang araw simula noong nakaraang taon.

Sa data na inilabas ng Aklan PESU ngayong gabi, 119 new cases ang nadagdag sa probinsya. Sa 349 na samples na isinailalim sa tests, nasa 34.4% ang positivity rate o katumbas ng 119 positive cases at 230 naman ang nag negatibo ang resulta.

Dahil dito, lumubo na sa 5,155 ang kumpirmadong kaso sa Aklan kung saan 883 dito ang active cases.

65 naman ang nadagdag sa mga gumaling na nagdala din sa 4,159 total recoveries habang 113 ang death toll.

Nagmula ang mga bagong kaso sa bayan ng Kalibo-42, Tangalan-23, Nabas-14, Banga-10, Malay-6, Numancia-5, Batan-4, Ibajay-4, Lezo-4, Buruanga-3, New Washington-3, at Makato-1.

Ito naman ang estado ng CoViD-19 cases ng bawat munisipalidad simula Mar. 27, 2020 – July 9, 2021:

Kalibo – 1322
Malay – 678
Nabas – 423
Ibajay – 373
Banga – 368
New Washington – 342
Numancia – 336
Makato – 240
Tangalan – 159
Lezo – 148
Altavas – 145
Balete – 137
Batan – 128
Malinao – 118
Buruanga – 96
Libacao – 87
Madalag – 45