Connect with us

Aklan News

RECORD HIGH: AKLAN NAKAPAGTALA NG 217 CASES SA LOOB LANG NG ISANG ARAW

Published

on

RECORD HIGH

SUMOBRA na sa 200 ang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa Aklan sa loob lamang ng isang araw.

Ayon kay Aklan PHO Dr. Cornelio Cuachon, sa 390 swab specimens na prinoseso ng Molecular Laboratory kahapon, July 28, 217 o 55.6 percent ang nagpositibo sa COVID-19 at ito ang pinakamataas na nairecord sa Aklan.

Sinabi ni Cuachon na 390 lang ang naproseso ng molecular lab kahapon pero ang natanggap nilang specimens ay umabot sa 484.

Sa ngayon, nasa 1,086 pa ang naka pending na specimens at inaasahang madaragdagan pa ito ngayong araw.

Ang mortality rate sa Aklan ay nag-aaverage na rin sa 6 deaths sa tatlong magkasunod na araw.

Kritikal na rin umano ang health care utilization rate sa Aklan Provincial Hospital dahil punuan na ang mga intensive care unit (ICU) at mga COVID-19 wards.