Connect with us

Aklan News

Regular inspection sa mga palengke, ipatutupad para mamonitor kung nasusunod ang price ceiling sa bigas na P41 at P45 kada kilo

Published

on

Ipatutupad ang regular na inspeksyon sa mga palengke at rice warehouse sa lalawigan ng Aklan para masiguro na nasusunod ang mandato ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na price ceiling ng bigas na P41 at P45 kada kilo.

Nagsagawa ng pagpupulong ang Department of Trade and Industry (DTI), Philippine National Police (PNP), Department of Agriculture (DA), mga Local Government Unit (LGU’s) at iba pang ahensya ng gobyerno para pag-usapan ang tamang pagpapatupad ng Executive Order No. 39 na pinirmahan noong Huwebes matapos irekomenda sa punong ehekutibo para maging abot-kaya ang bigas.

Batay sa Executive Order No. 39 Series of 2023, hindi maaaring lumagpas sa sumusunod na presyo ang mga naturang uri ng bigas:

Regular Milled Rice – Price Ceiling – P41 kada kilo

Well-milled Rice – Price Ceiling – P45 kada kilo

Bukod sa regular na pag-inspeksyon, ipatutupad rin ang activation ng hotlines, consumer complaint desk, timbangan ng bayan, pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at NGO sa pagmonitor ng price increase at pagbuhay sa Local Price Coordinating Council

Umaaray ngayon ang publiko at marami ang nagrereklamo sa umano’y rice price manipulation gaya ng hoarding at iba pang iligal na gawain dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas./MAS