Connect with us

Aklan News

Rehabilitasyon ng inirereklamong bahagi ng Banga-Libacao Road, iti-take over na ng PEO-Aklan

Published

on

Ang Aklan Provincial Engineering Office (PEO) na muna ang mamahala sa rehabilitasyon ng inirereklamong bahagi ng Banga-Libacao Road particular sa barangay Bacan dahil sa palagi na lamang itong sira at perwisyo sa mga motorista.

Ito ang ipinasiguro ni PEO Aklan Provincial Engineer Edelson Magalit sa panayam ng Radyo Todo.

“Duyon ngaron nga portion nga critical una sa Bacan, hay kami lat-a karon ma-take over,” ani Engr. Magalit.

Aniya, gagamitin na lamang nila ang kanilang kaunting pondo para sa minor repair ng mga provincial road.

Ngunit sa ngayon aniya, dala ng palagiang pag-ulan, hindi pa sila makakapagsimula kung kaya’t nilagyan muna nila pansamantala ng buhangin ang mga butas-butas na bagahi ng kalsada.