Connect with us

Aklan News

REKLAMONG PAMBUBOGBOG, PINABULAANAN NI PAMPANGO LIBACAO CAPTAIN ANDRIANO DALA

Published

on

REKLAMONG PAMBUBOGBOG, PINABULAANAN NI PAMPANGO LIBACAO CAPTAIN ANDRIANO DALA

Mariing pinabulaanan ni Pampango, Libacao punong barangay Andriano Dala na binugbog niya si Vincent Sison noong Disyembre 13, 2021.

Ito ay taliwas sa naunang pahayag sa Radyo Todo ng tiyuhin ni Vincent na si Uno Sison, kung saan sinabi nitong pinagtulungang bugbugin ni kapitan Dala, sekretaryo nito at iba pang kasamahan ang kanyang pamangkin.

Magugunitang sinabi ng nakakatandang Sison na balak nilang maghabla na counter case laban kay punong barangay Dala at sekretaryo nitong si Allan Francisco.

Ayon kay kapitan Dala hindi niya binugbog si Vincent kundi ginawa niya lamang ang kanyang mandato na i-apprehend si Sison dahil ito’y nanggugulo sa kanilang barangay.
Pagpapaliwanag ni Dala na matiwasay niyang inaresto si Vincent ngunit ito’y naging arogante.

Nasa ilalim din umano ng impluwensiya ng alak si Vincent nang ito’y kanyang komprontahin kaya humantong sila sa puntong pinosasan na niya ito.

Nilinaw din nito na wala siyang personal na galit kay Vincent dahil sa katunayan ay pinagtatakpan niya lamang ito sa kanyang mga ginagawa sa kanilang barangay at silang dalawa ay magpinsan pa.

Ngunit bilang ama umano ng kanilang barangay, ay nagpasaya na siyang bigyan ng leksyon si Vincent dahil sa mga kalokohang ginagawa nito sa kanilang lugar .
Pahayag pa ni punong barangay Dala, si Vincent ay may history ng mental illness at maka-ilang beses na rin itong inireklamo sa barangay.

Samantala, ayon naman sa mga nakakita ng nasabing insidente na sina Merly Marga Mario Villorente at Wenard Zonio na walang pambubugbog na nangayari dahil pinapapusasan lamang ni Kapitan Dala si Vincent dahil nagwawala na ito.