Connect with us

Aklan News

REQUIREMENTS SA MGA LALABAS AT PAPASOK SA MALAY AT BORACAY ISLAND NGAYONG PANAHON NG GCQ

Published

on

BINAWASAN na ng Malay Inter Agency Task Force against CoViD-19 ang mga requirements sa mga may planong umalis, lumabas, babalik at papasok sa isla ng Boracay o bayan ng Malay batay sa inilabas na Executive Order ni Mayor Frolibar Bautista ngayong araw.

Sa mga Aklanon at Non-Aklanon na nastranded at uuwi na sa kanilang bayan o lalawigan:

  • WALA NG KAILANGANG KUNING DOKUMENTO MULA SA LGU MALAY MALIBAN NA LANG KUNG ANG UUWIAN MO ANG HIHINGI PA NG DOKUMENTO KAGAYA NG HEALTH CERTIFICATE AT ITO NAMAN AY LIBRENG IBINIBIGAY NG MHO MALAY.

Sa mga Aklanon at Non-Aklanon WORKERS na uuwi muna sa kanilang bayan at lalawigan:

  • KAILANGANG MAKIPAG UGNAYAN MUNA SA PESO MALAY PARA MAGAWAN NG ENDORSEMENT SA OFFICE OF THE MAYOR KUNG SAAN BIBIGYAN KA NG TRAVEL PASS.
    (Contact 2888892 or 2888855 or 09995844415)

Boracaynon o Malaynon na lalabas ng bahay at mamimili o may gagawing essential:

  • Transferable Home Quarantine Pass mula sa Brgy.

Boracaynon o non-Malaynon na magtutungo lang sa ibang bayan sa Aklan:
• Home Quarantine Pass
• Proof of residency o ID
• Mensahe mula sa clinic kung magpapacheck up bilang patunay na may appointment
• Company ID or Certificate of Employment kung trabaho ang purpose
• Hindi na kailangan ang travel pass mula sa LGU Malay
• Hindi na kailangan ang Brgy Clearance mula sa Brgy.

Sa mga Malaynon (kahit ano ang edad) na uuwi matapos ma stranded sa ibang bayan:
• Proof of residency o Brgy. ID
• Certificate of Acceptance ng kapitan sa Malay na iyong uuwian.
• Health Certificate mula sa bayan kung saan ka na-stranded

Sa mga Malaynon o Boracaynon na nagtungo lang sa ibang bayan for essential purposes at babalik na, ipakita sa Checkpoints o Caticlan Jetty port checkers:
• Home Quarantine Pass
• Proof of residency o Brgy. ID
• Fill up the Health Declaration form sa Caticlan Jetty port at kukunan ng body temparature

Sa mga babalik na sa trabaho sa Malay o Boracay:

  • Certificate of Employment
  • Company ID
  • Municipal Health Certificate mula sa pinanggalingan
  • Dapat nasa listahan na isinumite ng kompanya sa PESO Malay
  • Acceptance letter ng Brgy sa Malay o Boracay kung saan titira o magbo-board