Connect with us

Aklan News

RESETTLEMENT ACTION PLAN PARA SA MGA APEKTADO NG KALIBO INTERNATIONAL AIRPORT EXPANSION PROJECT WALA PA SA MGA KAMAY NG LGU KALIBO – ENGR. MARLO VILLANUEVA

Published

on

NAPOCACIA

Wala pa sa mga kamay ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang sinasabing Resettlement Action Plan (RAP) para sa mga apektado ng Kalibo International Airport expansion project.

Ito ang tugon ni Engr. Marlo Villanueva patungkol sa naunang pahayag ng NAPOCIA na nasa kamay umano ng LGU Kalibo ang RAP para sa nasabing proyekto.

Ayon kay Engr. Villanueva ikinalulungkot niya ang impormasyong ito dahil ang katotohanan ay nasa kamay pa ng Department of Transportation (DOTr) ang nasabing RAP.

Aniya, mapupunta lamang ito sa kanila kapag aprubado na ng DOTr ang Resettlement Action Plan para sa mga apektadong land owners at tenant ng Kalibo International Airport development expansion project.

May mga napuna umano ang DOTr na kailangan pa matingnan at pag-aralan ng departamento bago isumite sa lokal na pamahalaan.

Binigyan-diin ni Villanueva na limitado lamang ang magiging papel ng LGU Kalibo dahil wala pa umanong Memorandum of Agreement (MOA) na bahagi sila ng nasabing proyekto.

Dagdag pa nito na ang LGU Kalibo na ang DOTR ang lead agency sa proyektong ito at sila ang dapat manguna sa pagbibigay ng solusyon sa mga problemang idinaraing ng mga kasapi ng NAPOCACIA.

Samantala, may nakatakda naman na pagpupulong ang LGU Kalibo at ang NAPOCACIA upang mapag-usapan ang problemang ito at kung ano ang kayang maibigay na tulong ng lokal na pamahalaan.