Aklan News
Resolusyon kaugnay sa higit P19 milyong HEA due ng mga health workers sa Kalibo, natanggap na ng DOH Region VI
Personal na dinala ni SB member Ketchie Luces, Chairman ng Committee on Health sa DOH Region VI ang resolusyon kaugnay sa pag-follow up ng Health Emergency Allowance (HEA) ng mga public health workers sa bayan ng Kalibo.
Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Luces na pumunta siya sa Sta. Barbara, Iloilo nitong Miyerkules para personal na iabot ang resolusyon sa opisina ni DOH Regional Director Adriano Suba-an.
Hindi umano nila naabutan si Director Suba-an pero nakausap niya naman an gang mismong in-charge sa HEA na si Genevieve Cadornigara.
Ipinasiguro raw nito sa kanya na obligated na ang Kalibo sa HEA at sa oras na dumating na ang budget ay agad na itong i-rerelease sa mga taga Kalibo.
Ipinakita rin nito na aabot pa sa P19,103,375 ang HEA matatanggap ng mga Kalibonhon na mula pa July 2021-Dcember 2021 at January 2023-July 2023.
Kumpiyansa ang konsehal na hindi na magtatagal at matatanggap na ng mga health workers ang HEA na matagal na nilang hinihintay. | via MAS