Connect with us

Aklan News

RESOLUSYON NA HUMIHILING SA PAMB NA I-REVOKE ANG 2019 PAMB RESOLUTION HINGIL SA 300-MEGAWATT HYDROPOWER FACILITY SA NABAOY, MALAY TINAWAG NA ‘PREMATURE’ NG SP-AKLAN

Published

on

File Photo: April Mae Zaulda, Radyo Todo Aklan

Tinawag na ‘premature’ ng Aklan Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 153-A, Series of 2021 ng LGU-Malay na humihiling sa Protected Area Management Board (PAMB) na bawiin nito ang 2019 PAMB Resolution.

Ang nasabing resolusyon ay hingil sa pagpapatayo sana ng 300-megawatt (MW) pumped-storage hydropower facility sa Malay ng Strategic Power Development Corp. (SPDC), isang sangay ng SMC Global Power Holdings Corp. sa barangay Nabaoy, Malay.

Sa isinagawang regular session ng 18th Sangguniang Panlalawigan nitong Enero 10, masinsinang tinalakay ito ng mga miyembro ng SP Aklan hanggang sa nagpasya ang mayorya na “noted” ang nasabing resolusyon.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Board Member Nemesio Neron, nagpasya umano silang “noted” na lamang ang nasabing resolusyon dahil hindi nakita ng Aklan Sangguniang Panlalawigan na humihingi ng pagsuporta para sa naturang resolution ang lokal na pamahalaan ng Malay.

Aniya, ang Resolution No. 153-A, Series of 2021 ng LGU-Malay ay para sa Protected Area Management Board (PAMB) at hindi para sa Sangguniang Panlalawigan.

Nag-ugat ang nasabing resolusyon ng Malay dahil ayon sa mga tumututol sa 300-megawatt (MW) pumped-storage hydropower facility project ng Strategic Power Development Corp. (SPDC), ang lugar kung saan itatayo ang nasabing proyekto ay bahagi ng protected area.

Saad pa ni Neron, ang may direktang hurisdiksyon dito ay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) lalo na kung ang pinag-uusapan ay ukol sa environmental protection.