Connect with us

Aklan News

RESOLUSYON PARA I-BAN ANG CHINESE SA BORACAY ISINUSULONG NG LGU MALAY SA GITNA NG NCOV OUTBREAK

Published

on

Boracay Island – Isinusulong ni Sangguniang bayan member Nenette Graf ang agarang pagpapatupad ng travel ban ng mga dayuhang Chinese mula sa mainland China.

Sinuportahan ito ng SB Malay kahapon sa plenaryo ng kanilang 3rd Regular Session kasabay ng paglitaw ng unang kaso ng 2019-nCov sa Pilipinas.

Ipinunto ni Graf na hindi pa handa ang ating bansa sa paglaban sa corona virus.

“Our country is not reay for this, bukon kita it pareho sa ibang lugar nga advance andang technology.” ani Graf.

Iginiit ng konsehal na walang medisina ang gagana bilang pangontra sa coronavirus na talamak na ngayon sa ibang bansa kaya’t kailangan na nilang kumilos para kapakanan ng kanilang mamamayan.

“We have to decide for ourselves. We have to decide for the people, atun ta nga tawo aton proteksyunan. We cannot wait for the province. I mean, sitting down is too much. One case, sabog ang turismo sa Boracay, finish eon kita.” saad pa ng konsehal.

Sa pinakahuling datos ng WHO, mayroon nang 213 katao ang namatay at 9, 692 na ang kumpirmadong tinamaan ng sakit sa buong mundo.