Aklan News
ORDINANSA PARA SA OPERASYON NG BAGONG NABAS PUBLIC MARKET, BINABALANGKAS NA NG SANGGUNIANG BAYAN
BINABALANGKAS na ng Sangguniang Bayan ng Nabas ang ordinansa para sa operasyon ng kanilang bagong public market.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Nabas Mayor James Solanoy, sinabi nito na ang kanilang bagong merkado publiko ay bukas para sa bidding sa mga nagnanais na umakopa.
Aniya, nakapagsagawa na sila ng public hearing kung saan naka-usap na nila ang mga mamamayan, negosyante at ang mga nais kumuha ng puwesto dito.
Dagdag pa ni Solanoy, ang bagong public market ay magkakaroon ng remittance center, botika, grocery stores, RTW shops, gift and souvenir shops at iba pa.
Saad pa nito na puwede ng ukopahan ang mga puwesto ng nasabing merkado publiko ngunit hinihintay pa nila ang ordinansa para sa full operation.
Pahayag pa ng alkalde na mahigit isang taon bago natapos ang kanilang public market kung saan nagkakahalaga ito ng mahigit P42-million pesos.
Ang nasabing halaga ay inutang nila sa Landbank of the Philippines at babayaran ng bayan ng Nabas sa pamamagitan ng kanilang Internal Revenue Allotment (IRA).
Ipinasiguro naman ni Mayor Solanoy na may kakayahan ang kanilang bayan na bayaran ang nasabing halaga.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Solanoy sa lahat ng kanyang mga mamamayan sa kanilang ibinigay na kooperasyon
Binigyan-diin nito na hindi niya makakayanan ang isang programa o proyektong at hindi ito magiging matagumpay kung walang kooperasyon mula sa lahat.