Connect with us

Aklan News

RESOLUSYONG HUMIHILING SA ALKALDE NG MALAY NA MAGLAGAK NG PONDO PARA SA COVID VACCINE, APRUBADO NG SB PAGLAGAK NG PONDO PARA SA COVID VACCINE, HILING SA IPINASANG RESOLUSYON NG SB MALAY

Published

on

Aprubado na ng Sangguniang Bayan Malay ang resolusyong humihiling kay Malay Mayor Frolibar Bautista na maglaan ng pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine.

Ito ay matapos na mabalitaan na gumawa na rin ng hakbang ang LGU Kalibo para sa pagbili ng bakuna sa kanilang nasasakupan.

Inakda ni SK Federation President Christine Hope Pagsuguiron ang resolusyon para masiguro na ligtas ang publiko at mga turista sa banta na dala ng nakamamatay na virus.

“Malay being a first class municipality, we need to give assurance to our public, to our tourist, that we can contain the virus and Malay, we can be COVID free,” saad ni Pagsuguiron.

Ayon pa kay Pagsuguiron, magiging okay ang lahat kung mayroon ng bakuna. Mayroon na din aniya na mga bakuna na aprubado ng Food and Drug Authority (FDA) na maaaring mabili sa international community.

Nagpaabot naman ng pagsuporta rito si Malay Vice Mayor Niño Carlos Cawaling at ang mga kasamahan nito sa sangguniang bayan.