Connect with us

Aklan News

RESORT SA BORACAY, ISINAILALIM SA DISINFECTION DAHIL SA MGA EMPLEYADO NA NAGPOSITIBO SA COVID-19

Published

on

Photo Courtesy| Aklan Pesu

Pansamantalang isasara sa loob ng anim na araw mula Enero 22-28 ang isang resort sa Boracay para sa disinfection makaraang magpositibo sa COVID-19 ang ilan nilang empleyado.

Sa opisyal na pahayag ng resort, nagsimula na umano ang closure noong January 22.

Hindi na nagbigay ng detalye ang resort kung ilang empleyado ang nagpositibo sa COVID-19 pero kinumpirma nila na asymptomatic o walang sintomas ng sakit ang mga ito noong naka-duty.

“We can confirm these colleagues were asymptomatic and did not exhibit any outward symptoms or reported feeling unwell on the days they were on duty,” saad ng pamunuan ng resort.

Matapos umanong mapag-alaman na positibo ang mga ito, agad silang isinailalim sa quarantine alinsunod sa guidelines ng gobyerno sa COVID-19.

Ayon sa resort, tinulungan din nila ang mga apektadong guest na makalipat ng ibang resort sa Boracay. Samantala, ang mga nakapabook na guest sa araw ng closure ay papapiliin na magpa-rebook o refund.

“We remain in close contact with the DOT and all relevant authorities and will continue to act in the best interest of all our guests and colleagues,” saad pa ng resort.